SIRENA - Gloc-9 feat. Ebe Dancel 🎙️ [ KARAOKE ] 🎶

Title - Gloc-9 feat. Ebe Dancel (Karaoke) (from “MKNM: Mga Kwento Ng Makata“ 2012 album) Lyrics: Ako’y isang sirena Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda Ako’y isang sirena Kahit anong gawin nila bandera ko’y di tutumba Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib Simula pa nang bata pa ako Halata mo na kapag naglalaro Kaya parang lahat ay nalilito Magaling sa chinese garter at piko Mga labi ko’y pulang pula Sa bubble gum na sinapa Palakad-lakad sa harapan ng salamin Sinasabi sa sarili “Ano’ng panama nila?“ Habang kumekembot ang bewang Mga hikaw na gumegewang Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang Upang matakpan ang mga pasa sa mukha Na galing sa aking ama Na tila di natutuwa sa tuwing ako’y nasisilayan Laging nalalatayan Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot Ang puso kong mapagmahal Parang pilikmatang kulot [ Repeat CHORUS ] Hanggang sa naging binata na ako Teka muna mali, dalaga na pala ’to Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin Ano bang mga problema nyo? Dahil ba ang mga kilos ko’y iba Sa dapat makita ng inyong mata Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala Kahit di pumasok ang bola ako’y tuwang-tuwa Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang Tama na naman itay, di na po ako pasaway Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay Kapag ako’y naiiyak ay sumusugod sa ambon Iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat [ Repeat CHORUS ] Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa Aking mga kapatid, lahat sila’y sumama Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita Kakain na po itay, nakahanda na’ng lamesita Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang Ngayo’y buto’t balat ang dati matipunong katawan Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer Kasi dahil ang tagapag-alaga mo’y naka-duster Isang gabi, ako’y iyong tinawag, lumapit Ako sa’yong tabi ika’y tumangan, kumapit Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla Drum na may tubig ang sinisisid Naglalakihang mga braso, saki’y dumidikdik Drum na may tubig ang sinisisid Sa patagalan ng paghinga Sa’kin kayo ay bibilib Ako’y isang sirena Kahit anong gawin nila Bandera ko’y di tutumba... 📌Terms of Use: 📌Do Not: Reupload or Use this audio and video for your own YouTube Karaoke or Instrumental channel/website or upload it to your karaoke machine. 📌You Can: Use this if you’re going to make a singing cover on YouTube or use it as the background music of your video. All we ask is put a link of our channel and credit to “karaOcraze“ for the instrumental in your video description. 📌Disclaimer : Songs and composition are the sole property of their respective owners. KARAOCRAZE is a compilation of our Karaoke Cover videos written by various OPM (Original Pilipino Music) Artists. Some content/songs has a copyright or content ID claims But the owner or claimant is allowing their content/songs to be used, however they put ads on the video and revenue goes to the owner/claimant. Any copyright matters relating to our channel, Please Contact us directly at karaocraze@ Thank you for the love and support! sirena gloc 9 karaoke sirena karaoke gloc-9 karaoke
Back to Top